just got this on my wall.... read on and be humored!
copy paste lang to from a forwarded email....
-----------------------------------------------------------------------------
Mahaba ito!! Basahin pag walang ginagawa hahahaha
PA
– PEYSBUK NGA!!!!”. Linya ng..... estudyante na uubusin ang baon para
makapagrent sa isang internet shop. Linya ng isang empleyado pagkadating
niya sa opisina at naabutang ginagamit ng katrabaho ang office
computer. Linya ng kapitbahay na gustong maki gamit ng internet sa
kadahilanang hindi siya nakapagbayad ng bill. At kung sino man ang
sinasabihan nila, malamang ang isasagot nito ay.. “teka, log out ko
lang..”. Nagpe-facebook din pala.
Facebook. Ang social
networking site na lumamon sa myspace at friendster. Ito rin ang pilit
kinakaibigan ng ilan pang aspiring forms of social media. Pansinin mo,
yung mga bagong kumakaribal sa Facebook e may feature kung saan
magrereflect din sa FB account mo ang kung ano mang post mo, gamit ang
site nila. Gaya nalang ng twitter, tumblr at kung ano ano pa. Parang
pelikula. Pag pinalabas ito sa sinehan sa guadamall (ang mabagsik na
mall sa guadalupe), ipapalabas din ito sa sinehan ng MOA. Nagkakaiba nga
lang sa level ng urine aroma at dami ng surot sa upuan.
Sa
sobrang popularidad nito ay pwede na itong iconsider na necessity. Iba
na ngayon. Humans need food, water and facebook. Clothing? Ano ngayon
kung nakahubad. At least. nakaporma ka naman sa bago mong profile
picture. Pwede na ngang iconsider ang kasalukuyan bilang “The Facebook
Era”. Ang panahon kung saan tangap na ang mga bading at tomboy (kaya
ikaw, wag na magpanggap, ok na daw, di mo na kelangan mag gym kuno),
kung saan mas mahal nang mga tao ang aso kesa sa kapwa nila tao (inday!!
ibigay mo ung ulam mo kay brownie, mag skyflakes ka nalang!!!), kung
saan lahat ay tumatakbo sa mga marathon, kung saan lahat ay may necklace
na ang pendant ay isang mamahaling camera, kung saan papalitan na ng
cobra at sting ang dumadaloy sa mga tubo ng NAWASA, kung saan lahat ng
statement ay dapat magtapos sa isang uri ng emoticon (uy, tang ina mo,
joke. (“,) ). Lahat ito ay bahagi na ng social norm. Lahat tangap na.
Pero huwag. Uulitin ko. HUWAG NA HUWAG mong sasabihin, lalo na sa isang
pampublikong lugar na. “Ay, wala akong Facebook eh..”. Patay ka dyan
brad. Kiss of death yun. Baka bigla kang paskilan ng papel sa noo mo na
may nakasulat na EEEWWWW!!!. Baka biglang magkaroon ng caste system sa
pinas at lahat ng walang FB account ay mga untouchables. Pwede ring
i-ekskomunikado ka ng simbahan katoliko at ipapakalat ito sa mga tweet
ng arsobispo.
Kung stalker ka, di na kelangan ng paliwanag kung bakit adik na adik ka sa FB. Pero para sa masa. Ano bang meron dito?
Bukod
sa green joke na ibinulong sayo nung tropa mong adik, pwede ka ding
magshare ng pictures (aka pix),videos, notes at mga links mula sa iba
pang sites. Makikita ito ng mga “friends” mo at pwede silang magkomento
dito. Walang limit ang pagpo post. May sense man o wala. Healthy nga daw
ito sabi nung mga sociologist. Exercising our rights to free speech daw
ito. Pero lahat ba e post-worthy? O karamihan ay nagdadala lang ng
badtrip.
Freedom of speech pala ha. Ito ang post ko tungkol sa mga post ng iba. Guilty tayo dito.
1.
Iwasan ang pabigla – biglang pagpapalit ng relationship status. Lalo na
kung mababaw lang ang dahilan tulad ng late reply sa text o hindi pag
iloveyou sayo ang jowa mo kaninang alas tres (sarili nyong 3 o’clock
habit). Dahil pag nagka-ayos kayo, at ibinalik mo sa dati ang status mo,
ikaw din ang magmumukhang praning.
2. Walang masama kung
purong tagalog ang shout out mo. Wag matakot na sabihan nang “uy
makata”. Kesa naman panay nga ang english, sablay naman ang grammar at
hindi kakikitaan ng sense ang sinabi. (iba ang you’re sa your).
3.
Check in. Ang post kung saan sinasabi ang kasalukuyan mong lokasyon.
Positibo. Pwedeng maging safety precaution. At least alam nila kung saan
ka huling pumunta sakaling di ka mahagilap ng ilang araw. Negatibo.
Easy prey ka sa mga serial killers o sa kaibigan na may galit sayo.
(Ingat ka silvestre. hehehe)
4. May “about you” page ang
FB. Dun mo isusulat ang mga hilig mo. Di mo na kelangan pang magpost ng
magpost ng mga youtube videos nila Ozzy Osbourne, Metallica o Korn para
ipagdiinan na rakista ka. Ikaw din, baka mahirapan kang panindigan. Lalo
na pag tumugtog na ang paborito mong kanta ni Katy Perry. Napaindak at
sing along si kumag.
5. Hindi kelangan magpost ng mga
litrato o video nang iniembalsamo o bangkay na durog durog ang katawan
at labas ang mga laman loob. Palit kaya kayo nung andun sa picture. Ako
naman ang magpopost.
6. Magtira ng konting privacy para sa
sarili. Hindi lahat ng bagay ay dapat ishare. Lalo na sa social media.
Sarilinin mo nalang ang gusot sa pamilya o away mag asawa. Pribado na
yon. Post ka ng post, tapos mababadtrip ka kung gagawing pulutan sa
inuman ang kwento ng buhay mo.
7. Ok lang ipost ang mga
bago mong gamit. Gaya ng mga gadget, damit o accessories. Natural lang
maging proud ka lalo na kung pinaghirapan mo o importanteng tao ang
nagbigay sayo nito. Di lang siguro tama na sabihing “hay nakakapagod na
magshopping, andami ko kasi pinamili”.
8. Kung sakaling
may nagpost ng malungkot o kaya’y tungkol sa isang masamang pangyayari
sa kanila, wag mong i-like. Ano yun? Nagustuhan mo pa na sumemplang siya
sa kanal.
9. Wag mong i-like ang sarili mong post. Kaya
nga pinost mo in the first place. Mas malala kung ikaw din ang
magcocomment. Parang loner ka naman nun.
10. Wag kang
basta basta magpost ng nakakagagong comment, lalo na sa mga picture kung
saan may mga taong di mo kilala. Halimbawa: “Pre, sino yang kasama mo
sa pic? si Bella Flores?”. Huli mo na nalaman. Girlfriend pala niya yun.
11.
Kung sakaling may nagpost ng matino at informative na mensahe.
Magpasalamat. Huwag mag angas sabay comment nang “ay luma na yan, huli
kana sa balita” o kaya “wala, kalokohan lang yan”. Wag kang magmagaling.
Matalino kaba na parang si Rizal? E di pabaril ka sa Luneta.
12.
Wag gamitin ang FB para magpakalat ng maling impormasyon at maghatid ng
mass hysteria. Pero kung sino man ang napost na aabot dito ang
radiation sa japan. Nagpapasalamat sayo ang manufacturer ng Betadine.
13.
Wag sumali at i-like ang isang fan page kung puro kagaguhan lang ang
ipopost mo sa wall nito. Halimbawa, nagpamember ka sa page ng isang
seksing artista tapos mag cocomment ka lang ng “uy, sarap mo naman,
parang mainit na lugaw sa malamig sa madaling araw”. Tapos magtataka,
“hala.. bakit ako na banned?”.
14. Hindi lang ikaw ang may
gustong manood ng sine. Wag kang mag post ng mga spoilers na maaaring
ikabadtrip ng iba. “just watched Nardong Putik: Ang Pagbabalik Ni Totoy
Burak, ganda ng ending, napatay nya ung kontra bida sa pamamagitan ng
pagpukpok sa ulo ng isang palayok, pero sad dahil huli na nang malaman
nya na tatay niya pala yun..”.
15. Di naman ata kelangan
simulan ang post mo sa salitang “Damn!!” o kaya “Oh gosh” lalo na kung
di naman malubha o kagulat gulat ang pangyayari. Halimbawa: “oh gosh,
umuulan”. Taga saudi???
16. Wag matawa at kantyawan kung
corny o masyadong romantiko ang isang post. Tandaan mo, magmamahal ka
din. Lintik lang ang walang ganti. Dami kong kilalang ganyan.
17.
Ok lang siguro ipost kung ano at kung saan ka kumakain. Iwasan lang
yung pagpopost ng close up pictures nung pagkain mismo. Marami ang
nagpapalipas ng gutom sa pamamagitan ng Facebook. Sino ka para inggitin
sila. Parang yung feeling na, asa air-con bus ka, pauwi sa bahay at
gutom tapos may kumag na kakain ng burger at fries. Langhap mo ang bawat
kagat niya. Di maka tao. Dapat palitan ang pangalan niya. Gawing
Lucifer.
18. Ok lang siguro ang mag post sa paraang
Jejemon. Trip mo yun e. Wag mo nga lang asahan na seseryosohin ka kahit
matino ang gusto mong sabihin. Expect mo rin na lahat ng comment sayo e
magtatapos sa “jejejeje”.
19. Wag magimbita sa isang
okasyon gamit ang shout out mo, tapos may ita-tag ka lang na piling tao.
Bangag kaba? Makikita ng lahat ng “friends” mo na iilan lang ang gusto
mo papuntahin sa nasabing okasyon.
20. Pwede ba?? HINDI PORKET ALL CAPS E GALIT ANG NAGPOST. BAKA LUMUBOG AT NASTUCK LANG ANG CAPS LOCK.
21.
Sapat naman na siguro ang tatlong exclamation point para ipaalam sa
bumabasa na puno ng emosyon ang post mo. Di mo kelangan punuin ng
punctuations porket walang bayad ang extra characters tulad ng sa text
messaging. Halimbawa. Pakyu ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!. Mali yun.
Dapat. Pakyu ka!!!
22. Iwasang magpost kung ikaw ay (a)
lasing, (b) nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot o (c) hindi
tinirahan ng ulam. Walang gustong makabasa ng pag aamok mo na puno ng
mali maling spelling. Kung sakaling nakakaramdam ng “FB rage”, magpahid
ng menthol toothpaste sa mga palad, at itampal tampal sa mukha mo
hanggang sa kumalma.
23. Oo, dapat sulitin ang unlimited
surfing na maghapon mong binantayan para lang maregister. Pero di ibig
sabihin nun na post lang ng post. Halimbawa, ang ilalagay mo sa shout
out mo e tatlong magkakasunond na tuldok. Ano yun? Buti pa quote nalang.
Time is gold.
24. Wag trigger happy sa “share” button.
Hindi porket di nagappear sa profile page ang mabangis mong status
message e kelangan mong tiktikin ang pagpindot. Antayin mo lang. Mamaya
ilang beses na pala napost. Paulit ulit. Wag kang atat. Lalo na kung ang
ipopost mo e “Patience is a virtue”.
25. Wag mong
kakumpetensyahin ang youtube sa dami ng video na nakapost sa wall mo. OK
lang siguro kung ishare mo ang isang nakakatawang clip kung saan may
nag susurfing na pusa o kaya naman e makabuluhang excerpt ng isang
documentary. Wag naman yung lahat ng mtv ng kantang marinig mo sa jeep o
lahat ng episode ng wow mali.
26. Wag ipahamak ang
sarili. Kung sakaling pwede naman palang acronym ang isang term e wag mo
na itong buuhin sa iyong post. Loud out loud!!!!.
27.
Hindi masamang makisali sa mga occasional drives o campaigns. Tulad ng
paggamit ng picture ng nanay mo pag mother’s day o pag post ng mensahe
tungkol sa cancer bilang status message mo. Hindi porket di ka nakisali e
cool o mas sophisticated ka.
28. Kung may nagcomment o
nagpost sa wall mo na di mo kilala ang pangalan pati na ang picture.
I-open saglit ang profile. Wag mo agad replyan ng makamandag na “HU U?”.
Malay mo, tropa mo pala yun. Binaliktad lang ang pangalan. O kaya naman
e dinagdagan ng H. Mhayhumhi Pharhedez.
29. Kung
magcocomment ka, halimbawa sa isang picture, iwasang gumamit ng
paghahalintulad sa ibang tao lalo na kung kagaguhan lang ang sasabihin
mo. Halimbawa, “baduy ng porma mo pre, parang bisaya lang” o kaya “mukha
kang magsasaka”. Tandaan, di ka lamang o nakahihigit sa mga bisaya at
magsasaka. Ikaw kaya, magpost ka ng video tungkol sa mga unggoy, tapos
may magcomment, “ambobobo naman nila, parang ikaw”.
30.
Wag kang magatubiling bumati sa mga post tungkol sa panganganak ng isang
ina, pagpapakasal ng magsing irog o pagkatangap sa trabaho. Sa magulong
mundo, hindi ba’t masarap ishare ang mga positibong pangyayari.
Code of ethics. Wala. Oo. Walang basagan ng trip.
Pero hindi ba mas maganda kung ginagamit mo to sa matinong paraan?
Pa-Peysbuk nga!!!